Ganting Galaw sa mga Teoryang Pampanitikan
Teoryang Queer Girl, Boy, Bakla, Tomboy ni Noel Lapuz Natutunan: Ang akdang "Girl, Boy, Bakla, Tomboy" ay isang sanaysay na isinulat ni Noel Lapuz. Ito ay tungkol sa pagkakaroon ng ikatlong kasarian. Makikita sa akdang ito ang diskriminasyon sa mga tomboy at bakla. Ipinapakita sa sanaysay na ito na maging mulat tayo sa diakriminasyong nagaganap sa lipunan lalong lalo na sa mga ikatlong kasarian; dapat nating iwasan ang diskriminasyon sa kapwa. Ang natutunan ko sa akdang ito ay dapat igalang at respetuhin ang sinuman, maging bakla, tomboy o anuman ang kanyang kasarian. Dapat nating maintindihan na sila'y tao lang at di natin dapat husgahan pagkat katulad natin sila'y mayroon ding nararamdaman. Reaksyon: Angkop na angkop ang tema ng kwentong ito sa teoryang nakaatas sa mga taga-ulat. Ang pananaw ng teoryang ito ay ilahad ang mga tunay na pangyayari sa ating lipunan lalong lalo na ang talamak na diskriminasyon sa ikatlong kas